sinama ko ang mga kapatid kong si cedric at si joeyboy, iniwan namin ang si kuya allen kasi walang bantay sa co
pagdating sa pasay, andoon na halos lahat ng mga pinsan kong babae.. grabe, namiss ko talaga sila.. todo kwentuhan at todo landian.. may iba iba na kaming kilos dahil matagal na rin hindi nagkakasama.. pero ang nakakatuwa, hindi nagbago ang pakikisama sa isa't isa at pagiging close..walang gap na kailangang tanggalin,. walang ilangang naganap..
pagdating sa simbahan, daming tao, at nagsisimula nang magorient ng gagawin yung isang lay minister.. kaso ang sarap awayin nung lay minister kasi naturingang tao ng simbahan, binabara-bara yung mga taong nagtatanong, binabastos yung mga nagrereact,, at inaaway ang mga taong madla pag hindi sumasagot... joke sya ng joke tapos required yata kami tumawa sa joke niya.. kundi, sisigawan kami..err.. kakainis.. anyway, binyag ng inaanak ko, yun ang importante..
maingay sa lugar namin dahil madami talagang kabataan, nakakahiya kasi nagtitinginan yung mga tao, pero mahirap talaga sawayin ang mga bata.. nagsimula na ang piging.at syempre,
natapos ang binyagan at syempre, hindi pa din tapos ang picturan.. nagmistulang celebrity si Wynea dahil daming paparazi na humahabol para humalik at magpapicture.. hehe.. nakakaawa na nga yung baby kasi inaantok na sya pero patuloy pa rin ang pagpapasapasa sa kanya ng mga tao dun,.. umuwi kaming tulog si wea.
picture pa din..walang tigil, naglakad na lang kami pauwi, malapit lang naman at hindi na nagmamadali, ang dami tumawag sakin, mga kababata kong mga dalaga't binata na rin,, wow, hindi ko akalain na makikita ko sila.. saya saya ng feeling.. pero err.. gusto ko na pumunta sa recption, dahil nagugutom na ko.. haha...
diretso agad kaming kainan ni Teptep, yung pinsan ko, gutom na kasi talaga ako..dami pa naman pagkain, kaya lulubos lubusin ko na ang pagbalik ng appetite ko.wala makakapigil sakin kumain ngayon..
kinahapunan, nagyaya manuod ng sine mga pinsan ko, libre daw nila, kahit hindi ko alam yung papanuorin, sumama ako, libre naman eh! haha, punta kami glorietta, diretso sinehan, at pagdating dun, ay pumasok sa cinema 2: "300"...waaah, eto pala papanuorin, sana hindi ako ma-bore dito, pumasok ng sinehan.. hindi pa naman nagsisimula, kaya ang mga makukulit kong pinsan ay namili ng upuan, literally, as in palipat lipat kami, tawa nga lang ako ng tawa, pero nakikisakay na lang sa trip.. siguro, kung pwede nga lang ay pinalabas na kami ng mga tao dun.. hehehe..
ang ganda nung movie, astig... ang saya pala.. may pagkabiblical talaga sya..tawa nga ako ng tawa nung naalala ko yung trip ng mga tao sa peyupi.com, "spartans, what are your professions?,tarush, tarush, tarush!"wahahaha... saya saya.. todo bonding kami.. kumain kami sa mcdonalds after..at umuwi na..
nang mawala ang mga bisita, kami naman ang nag-invade sa videoke. magdamag, simula alas-siete hanggang alas dose, wala kaming ginawa kundi kumanta, bumili ng beer para kahit papanu ay magkalasingan na.. pero walang nalasing dahil lahat ay hyper.. magulo..
err.. sakit sa ulo kasi walang tulog, hindi dahil sa uminom kami,.bitin nga eh.. walang epekto yung alak kundi pakatihin ang buong katawan ko., ..
maghihiwalay hiwalay na naman kami magpipinsan, kailan na naman kaya bago ko makikita ang mga toh! lumaki ako na parang kapatid ang mga turing sa mga toh, lahat ng problema ko, alam nila, pero dahil sa mga pangyayari, ngayon, ay maghihiwalay hiwalay na naman kami, nakakalungkot isipin na sa closeness na meron kami, hindi namin magawang maovercome ang distansyang pumapagitan samin.. ewan ko kung pano, pero ang alam ko, mahal ko tong mga toh! handa akong pumatay para sa kanila.. sila ang mga tunay kong pamilya na kahit kanino, hindi ko ipagpapalit.
aww.. missko na kayo agad.. nga pala, kanina ko rin nalaman na natuloy ang dad ko sa pagalis papuntang dubai... T_T
haaaaah! hnd moh nmn cla mZxaDng nah miZZ noh.......
ReplyDelete-_-wElLz mZaya tLg pGbndiNg aNg FamiLiA"naH khT mNzAn lng mgkiTakitz naNdon fWin uNg kLosNeZZ Zah 1t 1......