Todo kodakan kami sa bahay, pose dito, pose dun. 11:30 na din nung umalis kami sa bahay. at sakto 12pm, dumating kami sa World Trade Center.
Matapos ay iniwanan na namin ni Mario sila Mommy at pinsan ko.Kailangan na nilang pumila sa Parent's Entrance. Sinamahan ako ni Mar sa iba pang mga kaklase ko. Ayun, todo kodakan ulit.
Kinailangan na naming pumasok sa loob dahil mauubusan na kami ng mauupuan. Nang makaupo kami, kodakan na naman. Habang nagpprogram, kodakan pa rin. Kahit bawal ang cellphone at camera, hindi pa rin namin napigilan magpasaway kahit sa huling pagkakataon. hehe Hanggang matapos ang program, picturan pa rin ng picturan. kwentuhan, tawanan.
Nang makasakay na kami, nagyaya na si mommy kumain sa Timog, sa Tramway. Ayun, eat-all-you can kaming apat dun. Bonding, kwentuhan, tawanan, at kainan.
Nang mabusog, yosi break si mommy sa labas, habang kwentuhan pa rin kaming tatlo nila Rose at Mar. Pahinga, tapos uwi na. Nag-stay pa samin ng mga 1hr si Mar, tapos umuwi na rin. Sobrang sayang araw.
Sa wakas, nakagraduate na ako.
At sa wakas, napakilala at natanggap na rin siya ng pamilya ko.
Thank you Lord!!
p.s. CONGRATULATIONS to the GRADUATES of BATCH 2008-2009