Monday, May 11, 2009

8th of May, 2oo9

Maaga akong nagising para maghanda sa pagpapaayos sa parlor. at oo, excited ako. hahaha. 8am pa lang naligo na ako at hinanda na ang mga gagamitin para sa graduation. Naligo, tinuyo ang buhok, nagbihis, nilikom ang mga dadalhin, at 9am, pumunta ng parlor. Matagal akong inayusan, mga isang oras din yun. Todo kwentuhan pa nga kami ng baklang nagkukulot sakin.Nang dumating na ang mommy ko, nagbihis na ko matapos ay umuwi na sa bahay.

Todo kodakan kami sa bahay, pose dito, pose dun. 11:30 na din nung umalis kami sa bahay. at sakto 12pm, dumating kami sa World Trade Center.

Una ko nakita si Perry, tapos ay yung mga iba ko pang classmate.. Maya-maya, nagtext na si Mario, nasa WTC na rin daw sya.This is it. Mapapakilala ko na rin siya sa wakas kay Mommy. Nagkita kami at pinakilala ko na sya."Mommy, si Mario. Mario, si Mommy." Ayiii, ayun, naging friendly naman sila sa isa't isa.

Matapos ay iniwanan na namin ni Mario sila Mommy at pinsan ko.Kailangan na nilang pumila sa Parent's Entrance. Sinamahan ako ni Mar sa iba pang mga kaklase ko. Ayun, todo kodakan ulit.

Kinailangan na naming pumasok sa loob dahil mauubusan na kami ng mauupuan. Nang makaupo kami, kodakan na naman. Habang nagpprogram, kodakan pa rin. Kahit bawal ang cellphone at camera, hindi pa rin namin napigilan magpasaway kahit sa huling pagkakataon. hehe Hanggang matapos ang program, picturan pa rin ng picturan. kwentuhan, tawanan.

Nang makasakay na kami, nagyaya na si mommy kumain sa Timog, sa Tramway. Ayun, eat-all-you can kaming apat dun. Bonding, kwentuhan, tawanan, at kainan.

Nang mabusog, yosi break si mommy sa labas, habang kwentuhan pa rin kaming tatlo nila Rose at Mar. Pahinga, tapos uwi na. Nag-stay pa samin ng mga 1hr si Mar, tapos umuwi na rin. Sobrang sayang araw.


Sa wakas, nakagraduate na ako.

At sa wakas, napakilala at natanggap na rin siya ng pamilya ko.


Thank you Lord!!



p.s. CONGRATULATIONS to the GRADUATES of BATCH 2008-2009




5 comments:

  1. Wow, teng...you look awesome! Congrats ah... :)

    ReplyDelete
  2. wow buti ka pa. ako 1yr pa sa ating sintang paaralan. at mukhang ma-e-extend pa na sana nama'y hindi matuloy dahil kelangan sa october 2010 eh maging cpa na ako. hahay! congrats!!! welcome sa tunay na mundo sa labas ng state U. :)

    ReplyDelete