Thursday, May 3, 2007

epekto ng abnkkbsnplako!!


"minsan kailangan mo ng lakas para maipakitang mahina ka..."

ito
ang mga salitang tumama sakin habang nagbabasa ako ng libro ni bob ong
na "abnkkbsnplako". hindi ko alam kung anu ang meron sa mga salitang
ito at bigla akong napatigil sa pagbabasa at inisip ang mga bagay na
nais ipahiwatig ni bob ong dun..

anung lakas ang kailangan mo
para maipakita na mahina ka?? lakas ng loob??! oo sa palagay ko nga..
lakas na loob na sabihin ang mga sinasaloob mo.. lakas ng loob para
sabihin at ipakita na mahina ka.. sabihing hindi mo na kaya..

may mga araw talaga na
nakakaramdam ako ng ganun.. yung tipong gusto mo ng ipagsigawan sa
buong mundo na suko ka na at ayaw mo ng mabuhay pa..

pero heto pa
rin ako.. tuluyang lumalaban.. bakit?? kasi sa bawat problemang
dumadaan at nasosolusyunan, mas natututo ako sa mga experiences na
yun.. mas nalalaman ko ang kahulugan ng buhay.. mas masarap ipagpatuloy
ang paghinga..

may mga araw lang talaga na kailangan ko maglabas
ng nararamdamang pagod.. para makapagmove-on sa panibagong pagsubok na
ibibigay ng nasa itaas.. baka sa isang linggo meron na naman.. o kaya
bukas.. siguro mamaya.. o ngayon..

okie lang naman siguro na
maging mahina ka paminsan minsan.. wag ka lang mananatiling ganun..
pilitin mo ding maging malakas.. para sa sarili mo.. at para sa mga
taong nasa paligid mo..^_^




No comments:

Post a Comment