Wednesday, June 13, 2007

WALA NG PETIKS PETIKS!! T_T

nagsimula na ang pasukan, umpisa pa lang pero parang tambak na ko ng gawain.. nahihirapan na ko humanap ng oras para sa kinaaadikan kong internet! unti unti ko ng namimiss ang mga taong nakakausap at nakakabonding lang thru dito!! mga kaibigang nabuo dahil sa internet!! hindi lang sa multiply, pati na rin sa peyupi.. dalawang site na hinding hindi pwede mawala sa monitor ko..

unti unti ko na nararamdaman na tapos na ang bakasyon.. tapos na ang petiks thea!! hehehe,, tapos na ang internet magdamag.. tapos na ang walang patid na galaan.. hindi na rin pede ang hindi matulog.. at lalong hindi na pede ang matulog ng isang buong araw.. haay naku, ramdam na ramdam ko na.. tapos na talga ang bakasyon!!

third year na nga pala ako, hindi talaga halata!! feeling ko nagsisimula pa lang ako sa pagiging college.. dahil ngayon ko lang ito naeenjoy!!kahapon nga hindi ako pumasok, sandamukal na text ang natanggap ko galing sa mga classmates ko.. nasa 20+ yata.. hinahanap nila kung asan ako..aba.. isip isip ko, namimiss din pala ako ng mga mokong na yun!! hehehe.. sarap sa feeling, pero ayun, hindi pa rin ako pumasok.. naglamyerda kami ng bestfriend ko sa megamall.. magdamag!! hehehe.. pero ngayon, papasok na ko, kaya tatapusin ko na toh para makapagbihis na at makaalis..

haay naku, pagpasok ko sa eskwelahan, lam ko simula na naman ng recitations, quizzes, midterms, projects, thesis, defense, at ang nakakadugong finals.. TAPOS NA TALAGA ANG BAKASYON!!

12 comments: