Wednesday, July 18, 2007

wednesday the 18th...

sabi nila.. friday the 13th daw ang malas na araw.. hmm... for me..ngayon yun!!! my worse day ever..T_T

nagsimula ang lahat sa paggising sakin ng maaga ng kuya ko.. tumayo na daw ako para magbantay ng shop.. wala akong nagawa.. tumayo at ginawa ang morning rituals.. alas dose ng iwan ako ng kuya ko sa comp shop. sabi nya, magbbanyo lang sya at maliligo na rin..makalipas ang isang oras.. hindi pa rin bumabalik ang kuya ko.. sinilip ko sa loob ng bahay, aba, ang magaling, nakahilata sa kama at natutulog.. pinabayaan ko na muna sya.. basta alas dos aalis ako.. para maghanda as pagpasok...

1:30 na.. pumasok ako saglit at nakita ko na naliligo na sya.. sinabihan ko sya na bilisan nya at malapit na rin ako maligo.. "bakit anung oras ba pasok mo? 4:30 pa klase mo ah.. bakit ang aga mo malligo?? san ka na naman pupunta??" sinagot ko sya na tapusin muna ang .. paliligo mo bago ka magbunganga... bumalik na ulit ako ng shop para magbantay.. pagkatapos naman nyamaligo at magbihis, hinarap nya na ko sa labas..

Kuya: bakit ang aga mo na naman aalis?? san ka na naman pupunta??aalis ako.. may gagawin..
Ako: sa school san pa ba?may klase kaya ako...
K: maya pa 4:30 klase mo.. anung oras pa lang..
A: halloer, maliligo pa kaya ako at magbibihis.. tsaka magrereview pa ko may quiz kami sa first subject!!
K: eh bakit hindi ka nagreview kanina habang nagbabantay ka..
A: oo, makakapagreview ako ng nakaharap sa computer..
K: kagabi bakit hindi ka nagreview..
A: bakit?? anu ba ginagawa ko kagabi?? bantay ako ng shop.. eh bakit kagabi, hindi mo rin ginawa yan gagawin mo ngayon...nakipaginuman ka pa..
K: gabi na kaya..
A: and so???
K: hindi na ko pinabalik dun.. dahil gabi na..
A: basta aalis ako dito ng 2pm..
K: tumigil ka.. may atraso ka pa..
A: kung may atraso man ako, hindi sayo yun.. kay mommy yun...
K: aba.. g*@! ka ah.. nagiinit na ulo ko sayo ha.. sasapakin na kita..
A: edi sapakin mo..sinu ba mananagot??..anu kinaibahan mo kay daddy..WALA NA!!
(sabay tayo ko .. at pumasok sa bahay)

hinabol nya ko.."anu ba talaga gusto mo ha?? sumosobra ka na ah.. gusto mo ba masaktan??" hinila sa loob ng bahay at sa loob ng kwarto ko.. "blah blah blah blah blah blah!!" "%&%($^&%!@!%%^&(&)&%$&#$!#$&%(*)@$^%" *blag, toiinksz, raawr, poinkz* masyado nagng maaksyon sa kwarto nung oras na yun.. maya maya, nung makuntento na ang g*go, lumabas na ng kwarto ko...

nilabas ko na lahat ng iyak ko, bago pa man ako gumalaw as pwesto ko.. pero hindi pa rin talaga epektib.. isanag oras akong nakatulala sa haligi ng kwarto ko..nagiisaip ng kung anu anu.. galit na galit ako sa knya.. GALIT NA GALIT!!  tinext ko ang si kuya fj, nagsusumbong sa ginawa sakin ni kuya.. nung tignan ko ang oras.. p*ta.. 2:30 na.. ligo na ko... tumayo ako.. kumuha ng pambihis at naligo..

habang nagbibihis at inaayos ang gamit ko, inisp ko kung may nagtext kaya sakin.. "asan ang cellphone ko???"tapon ng gamit dun tapon dito" nak ng tokwa.. asan na nga??? waaaaaaaahhh... naligo lang ako nawala na?? hindi, namisplace ko lang yun... ikot ng bahay.. hanap dito, hanap dun.. inisip kung san ako pumunta after ko magtext kay kuya fj.. waaah.. sa kama ko lang talaga iniwan.. asan na... lumabas ako.. wala kuya ko dun.. customer ang nandun.. tropa ni kuya.. si jomike.. tinannong ko.. "asan si kuya??" "pumunta sa gagawin nyang computer...pumasok ka ba sa loob?? may pumasok ba na iba??""wala naman.."

ayun.. natapos ang kwento.. hindi ko pa rin alam kung asan... hanggang ngayon.. nakapatay na.. cannot be reached.. p*ta talaga...tinatamad na ko pumasok.. hindi rin ako makakapagquiz.. late na ko.. may report pa ng last subject!! AYOKO NA PUMASOK!!

3 comments:

  1. haays thea wak masyado magaLit!! d ba chineckan mo na yan?? juz pray for Him.. super nakakastress ang gaLit!! hehe.. sana makita mona fon u!! caLm dowN ahihi. Godbless

    ReplyDelete