Friday, November 23, 2007
Sulat ni Tatay at Nanay
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Mara mdamin ang isang matanda. Nagse-se lf-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag- aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagp asensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Na tatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasens yahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
N atatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kamakapag ayaw mong maligo.
Pagpa sensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwent uhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag- iisa.
Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatanda an mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihinang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasaki t at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaa n mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.
K apag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,ha wakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan..
A t huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,ibubul ong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
Labels:
coolstory
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
galing nakakaiyak actually naluha ako :((
ReplyDeletewow..oo nga naman.btw,ate,kmag anak ba natin xa?ung nag sulat?..
ReplyDeletehehehehe... hindi yata...
ReplyDeletenaluha ako ah..
ReplyDeleteparang ang sama ko tuloy na anak......
pero hindi ko naman ginagawa yan......
oo nga ano...sabagay matanda na din ang mga magulang ko...di ko naman gagawin yan....
ReplyDelete*sniff* Pahiram nito, thea ha? :D
ReplyDeletesure ate...
ReplyDelete