Sunday, February 15, 2009

valentine '09

i woke up 7am in the morning yesterday..
its too early pa, but i cant sleep na eh..
so i think of something na pwede gawin,
then bigla ko naisip na wala pa kong gift kay Mar..
tumayo ako, at naghalungkat na pwedeng irecycle..
haha.. joke lang..
kumuha ako ng mga art materials ko at ng mga kapatid ko..
at nagsimulang gumawa ng card..
too early pa rin kasi para pumuntang mall at bumili ng gift..
so naisip ko, mas maganda na rin yun, personalized..
tapos mga bandang 9am ng umaga, nagtext si pao,
"tey, gumagawa ako ng chcolates ngayon, oorder ka ba?"
sabi ko, "sure, igawa mo ko ng worth P100..daanan ko ng 11am.."
tapos yun.. pinaglinis ako ng bahay ni mommy pagkatapos ko gumawa ng card,
so yun,after ko maglinis, naligo na ko, nagbihis, at pumunta kina pao..
pagkakuha ko ng chocolates, nakipagkwentuhan na lang saglit tapos umalis na kasi 1pm kami magkikita ni Mario sa Megamall..
pagdating ko sa mall, saktong 1pm..
daming bulaklak na nagkalat..
dami rin syempreng lovers na magkakayakap sa paligid..
pumunta na ko sa meeting place namin..
wala pa sya.. so i texted him..
10minutes later, dumating na sya.
malayo pa lang, tanaw ko na sya..
wala syang dala..
aww.. pero nung lumapit na sya..
hinugot nya sa kung saan ang card na nakabalot pa ng nat'l bukstore..
hindi ko muna binasa.. binigay ko na yung gift ko sa kanya..
hindi nya rin muna tinignan at binasa..
"12pm pa ko nandito..
iniisip ko kung anu ibibigay ko sayo..
hanggang ngayon wala akong naiisip..
bulaklak sana..
kaso, naisip ko baka malanta lang sa concert..
 tsaka sakin mu rin lang yun ipapadala eh..
 kaya mamaya na lang paguwi natin.. ha??"
wais si bf.. oo nga naman. haha..
so yun, pumunta na kami sa MOA.
hindi naman masyado traffic..
kaya maaga rin kami nakarating dun..
umaambon.. shet.. KJ ang panahon..
diretso kami sa hypermarket,
at binili ang paborito namin..
ang roasted quarter chicken with rice na 49 lang isa..
(oo kuripot ako eh..)
tapos hinanap namin ang foodcourt
punong puno at super crowded dun..
madali naman kami nakahanap ng mauupuan..
bumili pa rin si Mar ng peyborit din naming lumpiang sariwa sa CHicken company..
nabusog ako ng bonggang bongga..
lalo na sya.. nakatatlong rice sya ng kanin,.. hahaha,,
nagpahinga kami habang nanunuod ng mga sumesemplang sa ice skating rink,.
ng bumaba na yung kinain namin,
mga 4.30pm na yata nun,
ayun, bumaba na kami sa may seaside..
may lumapit na agad saming nagtitinda ng closeup lovapalooza tickets..
with free toothpaste pa..
bumili kami, tapos nagparegister sa VIP,as couple..
soobrang saya.. nagenjoy talaga ako ng bonggang bongga..
astig tumugtog ng Bamboo, tsaka ni RIco Blanco..
okay na rin ang Spongecola..
pero nilangaw talaga ang Pupil..
nainterview pala kami ng "The Buzz"
tumanggi na kami sa GMA, bastos kasi yung reporter,.
pagtapos ng event at fireworks display..
(na sobra naming namiss kasi matagal na kami hindi nakapunta ulit sa MoA
 dahils a kabusyhan sa skul at OJT..)
ayun, umuwi na kami..
syempre nahirapan kaming sumakay..
ng dumating na kami sa guadalupe..
nakakita kami ng nagtitinda ng flowers..
then pinapili nya ko..
nagaalangan akong pumili ng boquet kasi baka wala syang pera,
so, ang pinili ko yung 4roses lang..
pero hindi sya pumayag..
yung boquet yung binili nya..
(M: binigay NYA sakin toh para pambili ng bulaklak para sayo,
kaya ibibili ko lahat toh..)
at binigay sakin..
hehehe.. syempre super kilig ako..
(t: san mu nakuha yung pera mu..
M: kagabi ko pa iniisip yun, nagtry ako tumaya sa karera.. ayun, nanalo..
t: astig naman.. pag kinakailangan talaga natin ng pera, binibigyan NYA tayo..
M: oo nga eh.. nagpasalamat nga ako sa KANYA kagabi eh..)
hinatid nya ko hanggang bayan ng pateros..
tapos umuwi na kami pareho..


----------------
I would like to thank:

Nat'l Bukstore:for the card..

(beh. mahal na mahal kita.. ikaw lang po ang babaeng minahal ko ng ganito, masayang masaya ako dahil nakilala kita..
saung sau ang pagmamahal ko. buong buo. walang kahati. ILOVEYOU. -RAM)

Paulyn: for the chocolates

my Brothers: for the art materials

SM Hypermarket : for the Roasted Quarter Chicken with Rice..

Chicken Company: for the Lumpiang Sariwa..

Close UP, MoA, MTV: for sponsoring the Lovapalooza Event..

and most of all..

MARIO GARVIDA LABASTIDA..


(thank you for everything..
you gave me happiness that i thought i couldn't have..

i love you..
sooo much..
and you're the man i've been waiting for soo long..



"you can thank your stars all you want but..
I'LL ALWAYS BE THE LUCKY ONE"



HAPPY VALENTINES DAY EVERYONE!!






9 comments: